in an article from philippine entertainment protal, paolo bediones reveals some of the details about the finale and reunion show of survivor philippines. actually, for the loyal fans of the show, these are not new details since this has been released in the forums. theuy will tape the reunion episode after the finale and will air it on december 14, 2 days after the finale. here is an excerpt from the article:
PEP: Paolo Bediones reveals details about Survivor finale
First time na ginawa ni Paolo Bediones na todong nag-share ng blessings sa entertainment press kahapon, December 2, sa Windmills & Rainforest restaurant sa Sct. Borromeo St., Quezon City. Ito ay bilang bahagi ng kanyang year-long 10th anniversary sa showbiz."
Kasama na rin sa celebration natin ang pasasalamat ko sa entertainment press dahil naging mabait kayo sa akin sa loob ng 10 years ko sa business. Yes, may mga times na may intriga, may accusations sa akin. But still, naging mabait kayo sa akin, hindi n'yo ako pinahirapan," nakangiting wika ni Paolo.
Maaga pa lamang ay nasa venue na si Paolo upang i-check ang last details ng affair. Kinuha na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon upang kausapin si Paolo nang solo.
SURVIVOR UPDATE. Humingi kami kay Paolo ng update sa finale ng Survivor Philippines sa December 12 na gaganapin sa Studio 7 ng bagong GMA Network Studios sa Jamboree St., Quezon City.
"Magsisilbing reunion ito ng 18 castaways," simula ni Paolo. "Sa first part, ipapakita ang eight members ng Jury at ang final two. Tinapos na naming lahat ang challenges sa Thailand at pagkatapos bumoto ng Jury, naka-seal na ang name ng winner. Hindi rin nila alam kung sino ang nanalo at kahit ako ay hindi ko alam kung sino. During the finals, a few seconds bago ko i-announce ang winner, saka ko lang malalaman kung sino ang tatanggap ng three-million cash prize.
"May ipapakita rin kaming recap ng mga nangyari sa isla during the challenges. Ipapakita rin ang pagtatalo-talo ng Jury, na kinu-question nila kung bakit ‘yon ang napiling final two. It will be an emotional night dahil everyone joined for the same purpose, pero isa lang ang mananalo.
"Pagkatapos ng grand finals, magte-taping na rin kami para sa reunion show na mapapanood sa Sunday, December 14. Ito naman yung reaction ng mga naunang lumabas na castaways matapos nilang mapanood kung ano ang nangyari sa show, at kung ano ang nabago sa kanila pagkatapos nilang sumali sa Survivor Philippines."
Sa kasalukuyan, apat na lang ang natitirang castaways sa Survivor Philippines: sina Charis Yacapin, Cris Cartagenas, JC Tiuseco, at Rob Sy.
Bilang host ng Survivor Philippines, may nabago rin ba kay Paolo?
"Yes," sagot niya. "Ngayon, mas gusto ko ang simple life. Na-appreciate ko ngayon yung mga small things na hindi ko naisip na magagawa ko. It's true na maayos akong nakakatulog sa isang bunk doon, na kasama ko ang may 91 all-Filipino production crew ng show. May bathroom, may electric fan, pero walang special things dahil wala namang hotel doon. Resort ‘yon na ginamit ng mga castaways."
Doon ko na-realize na dapat ay hindi tayo mag-aspire ng mga bagay na hindi naman natin kailangan, na dapat tayong mag-share ng blessings natin sa ibang tao. Doon, nagkaroon din ako ng Bible study sa grupo. Malaki ang naitulong no'n sa amin sa loob ng 45 days na nag-stay kami sa Thailand.
source: http://www.gmanews.tv/story/137291/PEP-Paolo-Bediones-reveals-details-about-Survivor-finale
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment