Masaya ang una sa maraming selebrasyon ni Paolo Bediones ng 10th year niya sa showbiz at sa pagiging host. Marami siyang ipina-raffle na gifts at lahat ay nag-uwi ng regalo. Nangako ang TV host na masusundan pa ang pakikipagkita niya sa press dahil marami siyang mga susunod na projects next year.
Special guest sa okasyon ang 10 castaways ng Survivor Philippines na naunang na-vote out at kasama sila sa game. Present sina Kiko Austria, Gigit, Patani, Emerson, Marlon Carmen, John Lopez, Kaye Alipio, Vern Domingo, mommy Niña at Vhev Gador.
Sa December 12, na ang finals ng Survivor Philippines at ia-announce ang winner sa isang live show na gagawin sa Studio 6 ng GMA Network (akala namin outdoor ang finale para mas ma-feel ang ambience). Tapos na rin ang Tok! Tok! Tok! at wala pang next show si Paolo, pero malaki ang posibilidad na magkaroon ng season 2 ng Survivor Philippines. Ang balita nga namin, sa January next year na ang audition at March, sisimulan ang shoot sa lugar na mapipili.
In the meantime, magko-conduct muna siya ng hosting seminar sa gustong maging host at tatapusin ang sinusulat na libro. Kasama rin sa plano niya ang ipakanta ang mga compositions sa mga kaibigan niyang singers.
will the season 2 announcement be made on the finale that is why they are not confirming anything so far?
No comments:
Post a Comment